play mo habang nagbabasa ka
Minsan sa buhay natin may mga pagkakamali tayong nagagawa... mga pagkakamali na hindi natin alam kung ano ang magiging resulta at malalaman na lng natin kapag huli na ang lahat...
Ang hirap tanggapin na ang isang pagkakamali ay dadalhin mo pang habang buhay. Na diagnos ako ng HIV+ last Feb 2012 nung tumawag yung nurse saken pero di ako naniwala at sabi ko baka nagkakamali lng sila sa result then sabi ng nurse na pinababalik ako for my another test at yun yung tinatawag na western blot after 2 weeks na pag aantay sa 2nd test ko im still praying na maging negative sya at naniniwala ako na di ako magiging positive. After 2 weeks tumawag ang doctor ko at pinapupunta nya ko sa clinic at dumating na daw ang resulta habang papunta ako halo-halo ang nasa isip ko na baka maging positive ako at pano na lng ang magandang career ko sa abroad at kung maging positive nga ko ano ang makukuha kong trabaho sa pinas na halos di na ko sanay magtrabaho dito at sa 8 yrs na pagtratrabaho ko sa abroad nakasanayan ko na ang buhay abroad at ang trabaho ko at iniisip ko na pano ko sasabihin sa family ko lalo na sa nanay ko na positive ako habang iniisip ko ito may halong kaba at pagluha, at ng pagdating ko sa clinic nagpunta ako agad sa doctor ko at tinanong ko agad ang resulta at sinabi nya talagang positive ako HIV. that time di ko alam ang gagawin ko at di ko namamalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko habang naglalakad at tinatanong ko sa sarili ko na hanggang kelan na lng ako tatagal sa mundong ito at hanggang sa pag uwi ko sa bahay wala akong ginawa kung di umiyak kapag nag iisa ako pero di ko pinapahalata sa mga employer ko at lalo na sa nanay ko at sa kapatid ko. Ang hirap kong tanggapin sa sarili ko na isa na akong HIV+ minsan natanong ko ang diyos BAKIT AKO PA??? bakit ako na di nman nakakalimot magdasal...bakit ako na may maayos na career at maraming pangarap sa buhay at gusto kong makatulong sa family ko. gabi-gabi lagi akong umiiyak at iniisip ko na anong mangyayari saken halos lahat nawala saken ang magandang trabaho ko ang mga pangarap ko, pero ganun pa man patuloy pa rin akong nagdarasal at lalo akong kumapit sa diyos. At ng isang araw pinakita ko sa nanay ko ang pangalawang test di siya nagpakita ng pag iyak sa harap ko pero ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya kaya pinigil ko pa rin na umiyak sa harap nya pero alam kong nasaktan ko sya ng sobra.. nasaktan ko ang kanyang damdamin at lingid sa akin habang nakikipag usap sya sa kapatid ko umiiyak sya at doon nya nasabi ang lahat awa at galit sa sarili ko ang nararamdaman ko that time dahil sa kabila ng mga paghihirap nya at alam kong di rin nya alam ang gagawin nung nalaman nya ang status ko hanggang sa tinawagan nya ako sa phone ko at kinausap nya ko doon lng ako umiyak ng umiyak at sinabing "Nay anong gagawin ko po" nung time din yun di ko narinig na magalit at di nya ko sinisisi sa nangyari at ramdam ko na pinipigil nya ang kanyang pag iyak habang sinasabi nya saken na "Kaya mo yan anak andito ako bilang magulang mo di kita pababayaan andito pa rin kami ng mga kapatid mo na handang sumuporta sayo...lakasan mo ang loob at kakayanin natin itong pagsubok na dumating sa buhay natin." walang tigil ang pagtulo ng luha ko habang sinasabi nya ang mga salitang yun, pinilit nya kong itayo sa pagkakadapa ko at binigyan ng lakas ng loob upang harapin ang problema na dumating sa amin. at doon ko na realise na may pag-asa pa at hindi pa pala huli ang lahat upang magsimula ulit at mamuhay ng normal at ipagpatuloy ang mga pangarap na nasimulan ko at doon ko narealise na ang isang pagkakamali na nagawa ko ay pwede pang itama kasabay ng panibagong buhay at sa patuloy na pagdarasal sa diyos dahil alam kong di nya ko pinababayaan ganun din ang family ko dahil sa kanila nagkaroon ako ng acceptance sa sarili ko at naka move on at alam ko na ang blog na ito ay ginagamit na instrumento ng diyos upang makatulong sa ibang tao at para mamulat at matulungan na maituwid ang mga pagkakamaling nagawa nila lalo na sa mga taong di pa nakaka alam tungkol sa isang disease na pwedeng sa isang iglap ay maging katapusan ng ating buhay. Sa mga taong katulad ko na HIV+ di pa huli ang lahat at di pa ito katapusan ng mundo may pag-asa pa tayo pede pa tayong tumayo sa pagkakadapa at ituwid ang mga pagkakamaling nagagawa natin hindi pa huli na magbagong buhay kahit anong kasalana natin kaya pa rin tayong tanggapin ng diyos sa pamamagitan ng paghingi ng kapatawaran sa kanya lagi natin ipagdasal na bigyan tayo ng magandang kalusugan dahil ang magandang kalusugan ay tungo sa mahabang buhay. sama sama tayong magtulungan may positive ka man or negative at naniniwala ako na sa sama samang pagkakaisa ng bawat pilipino magtatagumpay ang bansabg pilipinas na labanan ang pagdami at pagkalat ng sakit na HIV/AIDS HINDI PA HULI ANG LAHAT SIMULAN NA NATIN!!!
No comments:
Post a Comment